Dynamic Profile Codes
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Paano ba Manligaw ng Tama ?

3 posters

Go down

Paano ba Manligaw ng Tama ? Empty Paano ba Manligaw ng Tama ?

Post by -- かわいい PRiNCEü Fri Mar 19, 2010 5:35 pm

Dear Mr. Bob Ong,

Matagal ko na pong nililigawan itong chik na nakilala ko recently sa isang
party. Nasisiraan na ako ng bait. Pag nakilala mo siya, tiyak matutunaw ang
utak mo sa kakaisip sa kanya.

Hingi lang po ako ng advice. Paano ko po siya mapapaibig? Bibigyan ko ba siya ng tula? Haharanahin ko ba siya? Roses? Kalachuchi? Chocnut at sampaguita?

In lab na po ako. Ano po ang gagawin ko? Is she the one?

Lubos na gumagalang,
- Juan


ANG REPLY ------------

Dear Juan,

Hindi ka talaga sasagutin niyang nililigawan mo. Napaka-old school kasi ng mga tactics mo. Wala nang gumagawa ng ganyan. Sa panahon ngayon, lahat ng bagay, nagtaas na. Nagtaas na ang gasolina, nagtaas na ang presyo ng bigas at mga bilihin, nagtaas na ang pamasahe, at lalong nagtaas na rin ng standards ang mga babae. Hindi na uubra yang siopao at suman mo. Lalo na yung huli mong binigay, hopia at santan. Ano ba pare? Ano’ng era ka ba pinanganak?

Pero don’t worry. It’s not too late. May pag-asa ka pa. Hindi pa naman siya kinakasal at di pa niya sinasagot yung crush niya na basketball player.

Kahit lamang siya ng sampung paligo sa’yo, daanin mo sa utak at creativity.

Dahil aminin na natin, iyon na LANG talaga ang pag-asa mo. Heto, bibigyan
kita ng mga simple, tried and tested na mga regalo para di siya mapurga sa hopia at siomai. Sundin mo ‘to, tiyak na lalaglag ang bagang niya sa’yo.

Mga medyo more than your usual regalong panligaw :

1. Bili ka ng century tuna. Ilagay mo sa isang napakalaking box—yung sinlaki ng TV o kaya box ng desktop PC mo. Tapos balutan mo ng magarang pambalot. Kuntsabahin mo na yung teacher niya sa Calculus.

Sa gitna ng klase, bigla kang kumatok sa classroom. Pero dapat, incognito ka. Magsuot ka ng LBC jacket, magshades, at magsuot ng surgical mask. Pagpasok mo sa classroom, iabot mo yung box sa teacher, at papirmahin mo ng acknowledgement receipt. Tapos pabuksan mo in front of everyone.

Tignan mong mabuti ang reaction sa mukha niya.

Later during the day, pag tinanong niya kung bakit Century Tuna ang binigay mo, iikot mo yung lata at ituro mo yung sign na “Omega 8.” Pag tinanong niya kung ano yung Omega 8, sabihin mo: “because you’re good for my heart.

2. Mangolekta ka ng isang dosenang hanger na libre mong nakukuha tuwing nagpapa-dry clean ka. Tapos, sa bawat hanger, isulat mo: “I miss hanging out with you.

3. Instead of roses, kuha ka ng tissue paper sa banyo ng school mo. Gawin mong tissue paper roses. Gawa ka ng isang dosena. Pag-abot mo, sabihin mo,

Ganito kalinis ang pag-ibig ko sa’yo.

4. Bili ka ng tetra pack ng mantikang Minola. Tapos bilugan mo yung “with Omega 8.” Hindi na siya magtatanong kung bakit.

5. Bigyan mo ng ice cream cone. Dapat cone lang at walang ice cream. Pag hinanap niya yung ice cream, sabihin mo, “Natunaw na kakatitig sa’yo.

6. Bili ka ng sandosenang box ng crayola. Kolektahin mo lahat ng black. Lagay mo sa isang box ng crayola. Sa likod, isulat mo: “Walang kulay ang buhay kung wala ka.

7. Bigyan mo siya ng mumurahing bumbilya. Alam mo na siguro by this time kung ano ang isasagot pag tinanong niya kung bakit.

8. Itext mo siya ng: “Hindi tayo tao, hindi tayo love you, hindi tayo halaman.
Bagay tayo. Bagay!


9. Bigyan mo siya ng calling card ng MMDA. Sa likod, isulat mo “Para pag nagkabanggaan ang puso natin.

10. Padalhan mo ng Happy Meal pero huwag mong ibibigay yung libreng laruan.Paghinanap niya, sabihin mo: “Ako yung freebie, at ikaw yung meal na nagpapahappy sa’kin.

11. Sunugin ang kanyang bahay at padalhan ng hallmark card: "Aanhin mo pa ang bahay mo, kung matagal ka nang nakatira sa puso ko ."

12. Pagkatapos sunugin ang kanyang bahay, padalhan siya ng isang box ng
posporo, Guitar brand. unahan ang kanyang galit at sabihin, "Ayan ang
posporo na ginamit ko sa pagsunog ng iyong bahay, match na tayo .
"

13. Sa kalagitnaan ng isang malupit na bagyo, pasalubungan sya ng
"salbabida", wag payong, o mainit na mami. Pag nagtanong bkt? ang isagot mo ay "Ayaw kong malunod ka sa pag mamahal ko."

14. Pag pumayag na siyang makipagdate, dalhin mo siya sa canteen at huwag bibitawan ang kamay. Pag tinanong niya kung bakit, ituro mo yun sign na ..
don’t leave your valuables unattended .

Handang tumulong lagi,
-Bob Ong-
-- かわいい PRiNCEü
-- かわいい PRiNCEü
DPC Elite

Male
Posts : 4537
Age : 30
Joined date : 2009-12-02
Location : C:\SYSTEM32\
Cash : 29136

http://www.batang_inlabb_sa_pangalang_christia_rose

Back to top Go down

Paano ba Manligaw ng Tama ? Empty Re: Paano ba Manligaw ng Tama ?

Post by Danica :) Mon May 03, 2010 11:31 pm

si bob ong talaga sumagot?
Danica :)
Danica :)
DPC Super Member

Female
Posts : 5146
Age : 31
Joined date : 2009-10-24
Location : ` windows XP :))
Cash : 33200

Back to top Go down

Paano ba Manligaw ng Tama ? Empty Re: Paano ba Manligaw ng Tama ?

Post by Yoshi Thu May 13, 2010 7:39 pm

thnx for sharing. haha
Yoshi
Yoshi
DPC Addict

Male
Posts : 152
Age : 105
Joined date : 2009-10-10
Location : Paranaque PH.
Cash : 1260977

Back to top Go down

Paano ba Manligaw ng Tama ? Empty Re: Paano ba Manligaw ng Tama ?

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum